Paliwanag muna bago ang boto –kongresista

NAGSULONG ng isang resolusyon si Malabon Rep. Toby Tiangco upang maamyendahan ang rules ng Kamara de Representantes na nauuna muna ang pagboto saka ang pagpapaliwanag dito.

Tinuligsa ni Tiangco ang nakasaad sa Section 117 ng House Rules at sinabing: “That’s the wrong order. The whole point of giving an explanation of your vote is to air all the issues in open debate and convince undecided members to one’s argument.”

Sa kanyang inihain na House Resolution 1186, iginiit ni Tiangco na dapat sa pagboto ay kasabay ang paliwanag kung bakit dapat o hindi dapat ipasa ang isang panukalang batas nang sa gayon ay marinig ito ng ibang kongresistang may alinlangan pa kung paano boboto.

Ayon sa Section 117 ng kasalukuyang House rules, “the explanation of the vote may be given only after the result has been announced by the Secretary General.”

Hinikayat ni Tiangco ang House committee on rules, na pinamumunuan ni Majority Floor Leader Neptali Gonzales Jr. na ibalik ang Section 116 ng ika-14 na Kongreso na nagsasabing ang isang kongresista ay may tatlong minuto upang ipaliwanag ng kanyang boto.

“We have important bills pending before the House, like the RH (Reproductive Health) bill, which is why we must have rules that are in consonance with the principles of legislative due process,” ani Tiangco.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply