Hubadera sa billboards pa-tweetums sa men’s magazine

MATAPOS rumampa na naka-bra at panty lang sa katatapos na fashion show ni Lovi Poe, wala pa rin daw sa isip nito na magpose ng seksi sa kahit na anong men’s magazine.

Sabi ni Lovi, ang pagrampa niya na naka-panty at bra lang ay bahagi ng pagiging image model niya ng naturang brand ng product.

Tungkol naman sa estado ng relasyon nila ni Ronald Singson ay tikom pa rin ang kanyang bibig  at hindi niya inamin or itinanggi ang tungkol sa balitang ginamit niya ang private plane ng pamilya Singson noong magshooting siya sa Paoay.

Tungkol naman kay Fabio Ide na sabi ay matindi ang paghanga sa kanya, tila hindi interesado si Lovi sa Brazilian model. Maginoo at mabait daw si Fabio pero hanggang doon na lang daw yun.

Natawa naman si Lovi sa tsikang dumami ang nag-i-ilusyon sa kanya magmula ng rumampa siya ng naka-bra at panty sa isang fashion show.

Proud at flattered daw siya na may humahanga sa kanya pero sana raw ay hanggang paghanga lang at hindi humantong sa hindi maganda.

Hanggang doon na lang ang puwede niyang gawing pagpapaseksi at wala pa raw siyang balak mag-seryoso sa pag-ibig matapos ang nangyari sa kanila ni Ronald Singson.

***

NAGSADYA pa sa LTO si Arnel Ignacio dala ang kotseng pinalalabas na hot car daw ng mga pulis na kinasuhan ni Arnel para linawin at patunayan na ligal at may sapat na papeles ito.

Dala-dala ang sangkatutak na papeles, ipinakita ni Arnel kay LTO Chairman Mercedez na ligal ang kotse at hindi hot car tulad ng pinalalabas ng kanyang mga kalaban.

“Handa ko silang harapin at patunayan na hindi ito hot car (sabay turo sa kanyang car). Kung gusto nila ng perwisyuhan ay nakahanda ako,” natatawang say ng mabait na komedyante.

Sabi pa ni Arnel, kung hot car daw ang kotse niya ay hindi raw sana siya nakapag-loan sa bangko.

“Ang bangko ang nag-finance para mabili ko ang sasakyan. Huwag nilang ilihis ang isyu at huwag silang magbintang dahil makapal ang mga dokumento na hawak ko,” say pa niya.

Kahit na nakatatanggap siya ng pagbabanta, ipinapangako ni Arnel na lalaban siya hanggang sa dulo dahil masyado na raw nayuyurakan ang kanyang mga karapatan bilang tao.

***

MABILIS na kumalat ang viral video na pagtabig ni Justin Bieber sa CD copy na sinubukan na papirmahin ng isang unidentified employee ng NAIA habang papasok siya sa tube na papunta sa eroplano na magdadala sa kanya sa Hong Kong noong nakaraang Wednesday, May 11. Ang anak ng airport employee ang nag-upload sa You Tube ng controversial video dahil naawa siya sa naging trato ni Justin sa kanyang ama.

At tulad ng inaasahan, kahit hindi naging maganda ang inasal ni Justin sa isang fan na gusto lang namang magpapirma ng autograph, ipagtatanggol pa rin ito ng kaniyang mga diehard fans.

Pero mas marami ang bumabatikos sa ginawa nito dahil para sa kanila, kung hindi sa mga fans na ito ay wala rin siya sa kinatatayuan niya ngayon.

Sa kagaspangan na ng ugaling ipinakita ni Justin Bieber ay hindi kataka-takang kapag nagbalik siya ng Pinas ay baka batuhin na siya ng kamatis ng mga tao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply