Huidji See ng Netherlands kampeon sa 2011 WTBC

ITINANGHAL na kampeon ng 2011 World Ten Ball Championship si Huidji See, isang Chinese na pambato ng Netherlands matapos na patupiin ang kapwa Chinese na si Fu Jianbo ng China, 11-8 sa final match na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City.

Si See ay hindi kabilang sa mga sikat na player gaya ng mga naunang nagkampeon sa nasabing torneo.

Nagsimula ang swerte ni See ng gapiin ang isa sa pinamahusay na bilyarista sa mundo na si Ralf Souquet.

Ayon pa kay See, na dating isang chess player, hindi siya makapaniwala na siya ang nagkampeon at aniya ito ay isang pangarap na natupad.

“This is a dream come true. I felt like it was only a dream and I have to pinch myself several times to see if it’s real and it’s real indeed.”

Matapos magkampeon ni See, siya ay kabilang na sa world’s best players gaya nina Souquet, Daryl Peach, Darren Appleton, Francisco Bustamante, Efren Reyes at iba pa.

Naiuwi rin ni See ang $60,000 premyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply