Huling slot sa semis pag-aagawan ng Lyceum, Adamson

BANATANG maatikabo ang inaasahang magaganap ngayong alas-kwatro ng hapon sa pagitan ng Lyceum Lady Pirates at Adamson Lady Falcons sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang do-or-die match sa pagitan ng dalawang koponan na kapwa pre-season favorites ay para sa huling slot sa semifinals sa group I ng Shakey’s V-League First Conference samantalang sa group II ay masasabak ang University of La Salle-Bacolod kontra sa eliminated ng Far Eastern University Lady Tamaraws sa unanag laro. Ang Lady Slingers ay unang Visayan team sa torneo na tangan ang 2-0 slate habang 0-2 ang vollybelles na nakabase sa Nicanor Reyes Jr. Street.

Malaki ang kumpiyansa ng Lady Falcons sa pagsabak sa Lady Pirates dahil sa 3-sets na panalo nila sa group I leader na Ateneo Lady Eagles, 28-26,25-10,25-19 nang magpaluan noong Linggo.

Ang Lady Pirates ay sasandal kina Mary Jean Balse at Dahlia Cruz habang sina ex-most valuable player Nene Bautista at Michelle Laborte ang magdadala ng laro sa San Marcelino-based vollybelles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply