Human smuggling sa NAIA lantaran

LANTARAN na ang nagaganap na human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport.

Yan ang nabatid mula sa isang mapagkakatiwalaang source ng Remate na tumangging ipabanggit ang pangalan na nagsabing halos pag-awayan pa ng mga opisyal ng BID ang pagpapalusot sa mga Indian national.

Nabatid na nasabat ng NAIA-BID Travel Control Enforcement Unit sina Shinder Pal Kaur, babae, 27 anyos at Jaspal, lalaki, 34 anyos na papasok sa NAIA Terminal III na sumakay sa eroplanong Cebu Pacific 5J-502.

Dahil sa kahina-hinalang galaw ng dalawa, sinita ito ni TCEU operative Demetrius Lopez kung saan pansamantala nitong pinigil ang pagpasok ng dalawa sa bansa.

Base sa impormasyong natanggap ng Remate, isang Atty. Anthony Bautista na nagmula sa tanggapan ni BID Comm Ricardo David Jr., ang tumawag sa telepono ng BID T-3 na nag-uutos na pakawalan at papasukin ng bansa ang dalawang Indian sa utos umano ni Commissioner David.

Taliwas naman ang naging utos ng Chief of Staff ni Comm. David na si ret. Gen. Lino
Calingasan at sinabing ibalik sa Malaysia ang dalawang pasahero at isailalim sa “exclusion process.”

Nagkagulo ang BID sa Terminal III dahil hindi malaman kung sino ang susundin sa mga naturang opisyal.

Nabatid na nagkaroon umano ng transaksiyon ang pagdating ng dalawa kung saan nagbayad ang mga ito ng halagang P400,000 para lang makapasok ng bansa sa tulong na rin ng kilalang Indian human smuggler na alyas “Lucky.”

Sa kasalukuyan, iniim-bestigahan na ng Department of Foreign Affairs ang mga papeles ng mga Indian sa hinalang peke ang ginamit na Visa ng dalawa papasok ng bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply