Hustisya para sa Pinoy na namatay sa 9/11 attack

HUSTISYA para sa mahigit isang dosenang Pinoy na kasamang nasawi sa pagguho ng World Trade Center (WTC) noong Set. 11, 2001 ang kamatayan ng lider ng teroristang grupo na Al Qaeda na si Osama bin Laden.

Ito ang inilabas na mensahe ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III matapos na kumpirmahin ni US President Barack Obama mula sa White House ang pagkakapatay kay bin Laden na malaking tagumpay kontra sa terorismo.

Ayon pa kay Pangulong Aquino, ang pagkasawi ng Al Qaeda leader ang magpapasimula ng mala-domino effect na pagbagsak ng mga kaugnay na terorista at armadong grupo sa bawat sulok ng mundo.

“The death of Osama bin Laden marks a signal defeat for the forces of extremism and terrorism. It represents the end of the efforts of one man to stoke the fires of sectarian hatred and to promote terrorism on a scale unprecedented in the history of mass murder. Let us not forget that this is not just an achievement for the United States. It has brought justice to over a dozen Filipinos who lost their lives on September 11, 2001 in the World Trade Center,” anang Punong Ehekutibo.

Binigyan-diin naman ng Pangulo na hindi dapat na maging maluwag o magpaka-kumpiyansa ang seguridad sa buong daigdig sanhi ng kamatayan ni bin Laden. Aniya, kailangan na magpatuloy ang nagkakaisang boses ng bawat bansa sa paglupig sa terorismo.

Ani Aquino, mahalaga na manatili ang pagkakaisa ng mga pinuno ng bansa sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakasundo at seguridad ng bawat mamamayan kontra sa anumang banta ng terorismo.

“The death of Osama bin Laden should not lull us into complacency. The world must continue to consistently and courageously raise its collective voice against religious hatred, political intolerance, and terrorism of all kinds. We must remain vigilant and united in pursuing peace, pluralism, and collective efforts at security,” dagdag ng Pangulo.

Tiniyak naman ng Chief Executive na katuwang niya ang bumubuo ng national security team ng administrasyon sa ipatutupad na pag-iingat at mga hakbangin para sa kapakanan ng bawat Pinoy.

Inihayag pa ng Pangulo na nananatiling solido sa pakikiisa ang Pilipinas sa patuloy na paglaban sa terorismo sa pangunguna ng United Nations (UN).

Base sa inihayag ni Obama, napatay si bin Laden sa inilunsad na operasyon ng US forces noong nakalipas na linggo at isinailalim muna sa pagsusuri ang mga labi nito upang makatiyak na katawan ito ng Al Qaeda leader.

Si bin Laden ay napatay matapos na maglunsad ng atake at pasabugin ang mansyon nito sa labas ng Islamabad, Pakistan. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply