Ibibigay na titulo sa magsasaka, xerox na lang

MAY bagong taktika ang Department of Agrarian Reform (DAR) para sa kanilang pamamahagi ng lupa upang maiwasan ng mga magbubukid ang maagang pagbebenta ng ibinigay na lupa sa kanila.

Imbes na orihinal na certificates of land ownership awards (CLOAs) ang ibibigay sa kanila, photocopy o ise-xerox na lamang ito upang matiyak na tutuparin ng mga benepisaryong magsasaka ang kanilang tungkulin na bungkalin at pagyamanin ang lupang sakahan na ipinagkaloob sa kanila.

Kamakailan, sinimulan na ang taktikang ito nina Agrarian Reform-Southern Tagalog Assistant Regional Director for Operations Alejandro Cruz, at Quezon II Provincial Agrarian Reform Officer Samuel Solomero, photocopy lamang na CLOA ang ibinigay nila sa may 125 magsasakang benepisaryo na magmamay-ari ng lupa na may pinagsamang lawak na 215 ektarya sa San Narciso, Quezon.

“The new approach is also a way of ensuring that farmer-beneficiaries would honor their responsibilities to cultivate and enhance farm productivity, and pay their obligations, which include among others the regular payment of amortizations and of real estate taxes,” paliwanag pa ni Cruz.

“It is our dream in the DAR to see our farmer-beneficiaries prosper in life through what they do best – farming. That’s why we discourage the selling of farmlands,” dagdag pa ni Cruz sa kanyang talumpati sa isinagawang seremonya ng paggawad na dinaluhan ng mga lokal na opisyal na pinangungunahan ni San Narciso Mayor Eleanor U. Uy.

Inihayag naman ni Mayor Uy na masaya siya para sa kanyang mga magsasakang constituents ngayong nakamit na ng mga ito ang matagal na nilang minimithi, ang makapagmay-ari ng sariling sakahan.

“I just hope that you will take good care of your newly acquired farmlands and work harder to double your harvest. I wish you all the luck and a bountiful harvest each cropping season. For your success is also our success,” sabi pa ni Uy.

Samantala, ayon naman sa kinatawan ng mga magsasaka na sina Marcelino Carabido at Engilen Ricohermoso, gagawin nila ang kanilang makakaya para magawang produktibo ang nasabing mga sakahan. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply