Ibinaon ng Sumos ang Cultivators

PINABAGSAK ng Max! Bond Super Glue ang FCA Cultivators sa score na 93-83 sa PBA D-League Foundation Cup na idinaos sa Meralco Gym sa Pasig City.

Naitala ng Sumos ang 4-2 win-loss record na sumusunod sa dalawang nangungunang Cebuana Lhuillier Gems at Cobra Energy Drink (4-1) sa Group B habang sumemplang sa fourth position ang Cultivators kapantay ng Maynilad Water Dragons, tangan ang 3-3 win-loss slate.

Naitawid ng Sumos ang panalo sa kabila ng wala ang kanilang head coach na si Pido Jarencio at ang top player na si Junjun Cabatu na pinagsisilbihang ang isang game suspension, resulta ng kaguluhan sa laban nila sa Cebuana Lhuillier Gems noong Sabado.

Sa kasunod na laro, bumuwelta ang NLEX Road Warriors sa pagtatapos ng third quarter para tuluyang iwasiwas ang Freego Jeans sa score na 85-81. Napanatili ng koponan ni Coach Boyet Fernandez ang pangunguna sa Group A standings ng anim na koponang bracket sa kanilang 5-1 win-loss slate.

Abante ang Freego hanggang sa pagtatapos ng 1st half nang kumamadas na Eric Salamat at Calvin Abueva na bumigla sa Freego team na tuluyang nawala ang diskarte para isuko ang laro sa Road Warriors.

Magbabalik sa Martes ang laro sa pagitan ng Cebuana Lhuillier vs. Cobra Energy Drink, alas-dos ng hapon, na susundan ng engkwentro ng Café France laban sa Junior Powerade sa Sa Juan Gym. Radito Torres/ Jayvee Alberto

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply