Iligal na pagawaan ng baril sinalakay

NILUSOB ng mga pulis at militar noong Sabado, Mayo 21, ang isang iligal na gawaan ng matataas na kalibre ng baril sa loob ng isang subdivision sa General Santos City.

Narekober sa bahay ng suspek na si Gualberto Gonzaga, ng Dona Soledad Subdivision sa Labangal Village ay iba’ t ibang uri ng baril at bahagi nito at mga kagamitan sa pagkukumpuni at pagbuo ng mga “high-powered ” na sandata.

Ayon kay Colonel Joselito Kakilala, commanding officer ng Army’s Joint Task force-Gensan, ang mga nakumpiskang baril ay isang .45 kalibre pistola, isang .38 kalibre rebolber, receivers ng M16 riple, nguso at puwitan para sa M60 machine gun, receiver assembly para sa M60 machine gun ,iba’t ibang kalibre ng bala, isang canister ng 155 mm, welding machine at mga kagamitan sa paggawa ng baril, pag-repair at pagbura ng mga orihinal na serial number ng mga baril.

Isa umanong malaking banta sa seguridad ang pagkakaroon ng isang pasilidad na tulad nito, ani Kakilala, kung kaya’t nang lusubin nila ito ay nagsuot ang mga operatiba ng mga bullet-proof vest upang maprotektahan ang kanilang mga tauhan dahil may malalakas na kalibre ng baril ang kanilang target.

Hindi umano nanlaban ang suspek na si Gonzaga na kasama ang kanyang pamilya sa nasabing pasilidad nang lusubin ng militar ang nasabing bahay.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang mga kliyente ni Gonzaga na nagpapagawa ng mga matataas na kalibre ng baril dito.

Suspetsa umano nila, mga pulitiko o di kaya ay mga militar na nagbebenta ng mga armas ng pamahalaan ang kliyente ng suspek..

Samanatala, pinapurihan naman ni Mayor Darlene Antonino-Custodio ang mga pulis at militar na nagsagawa ng intelligence operation na nagbunsod sa pagkakatuklas ng pasilidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply