Imbestigasyon ng Kamara sa paglabas ni Leviste sa Bilibid sisimulan na

SISIMULAN na sa Miyerkules, Mayo 25, ang “moto-propio” na imbestigasyon ng House Committee on Justice  kaugnay sa paglabas ng New Bilibid Prison (NBP) ni dating Batangas Governor Antonio  Leviste.

Ani Iloilo Rep.Niel Tupas Jr., chairman ng naturang komite na ang isang preso na nakakalabas ng kulungan ng ilang beses sa iba’t-ibang okasyon ay malaking kahihiyan sa sistema ng hudikatura ng bansa.

Pagpapaliwanagin ng komite sina Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno, mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) at Boards of Pardons and Parole.

Matatandaan na si Leviste ay naaresto noong Mayo 18 sa labas ng pag-aari nitong gusali na LP Building sa Makati kung saan wala itong awtorisasyon o passes upang lumabas sa paligid ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Nagsisilbi si Leviste sa sentensya nitong anim hanggang 12 taong pagkakabilanggo matapos hatulan ng Makati Regional Trial Court (RTC) dahil sa pagpatay sa kanyang aide na si Rafael delas Alas noong Enero 12,2007. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply