Imbestigasyon ng NBI sa Vizconde case pinabilisan

BINIGYAN ng bagong derektiba ang National Bureau of Investigation (NBI) na lalong pabilisin ang imbestigasyon hinggil sa Vizconde massacre case.

Ito ay matapos na atasan ni Justice Secretary Leila de Lima si NBI Director Magtanggol Gatdula na bilisan ang ginagawang report

Ginawa ng kalihim ang kautusan sa gitna na rin ng pagtatapos ng prescriptive period ng kaso sa Hunyo 30, 2011.

Si Gatdula ay nagreport na kay de Lima na nakunan na nila ng statement ang mga testigo habang may mga naisalang na rin sa lie detector test at karamihan sa kanila ay pumasa sa proseso.

Magiging regular naman ang magiging proseso ng pag-uulat ni Gatdula sa susunod na linggo kaugnay sa status ng kaso upang maging updated ang kalihim sa mga development ng Visconde case.

Kaugnay nito ay umaasa naman ang kalihim na bago sumapit ang prescriptive period ay maisasalang na sa reinvestigation ang Vizconde killings. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply