IMF head di pinagpiyansa

BIGONG makumbinsi ng mga abogado ni Internation Monetary Fund Managing Director Dominique Strauss-Kahn ang isang judge kung saan nakasalang ang kanyang kasong sexual abuse na inihain ng isang empleyado ng Sofitel Hotel.

Naging headline sa lahat ng pahayagan sa France ang kanyang pagkakaaresto at pagkakakulong dahil siya ang pangunahing kandidato para sa pagka-presidente ng Socialist Party ng kanilang bansa.

Nabatid na tanging si Strauss-Kahn lamang ang may pinakamagandang tsansa para talunin ang nakaupong presidente ng France na si Nicolas Sarkozy.

Ipinahayag naman ng asawa ng hepe ng IMF na si Anne Sinclair na hindi siya naniniwala sa pinaparatang sa kanyang asawa. Si Sinclair ay isang sikat at kilalang TV personality sa France.

“I do not believe the accusations against my husband, not for one second. I do not doubt that his innocence will be established,” ani ni Sinclair.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply