Impitsabol pagbabawasan at mga korap sa ChaCha

KARANASAN nang masama ang pagbibigay ng sobrang pagbeybi sa ilang opisyal ng pamahalaan.

Tinutukoy natin ang mga impitsabol opisyal na magmula sa Presidente Bise Presidente, mga miyembro ng Korte Suprema, mga miyembro ng Constitutional Commission na kinabibilangan ng Audit, Civil Service, Elections, at ng Ombudsman.

Kahit na luko-luko o korap ang ilan o marami sa mga ito at magbubunga ng kamalasan sa buhay ni Juan, hindi basta masisibak ang mga ito dahil impitsabol nga sila at tanging ang Kongreso ang makatatanggal sa kanila sa puwesto.

Protektado sila, Suki, mismo ng Konstitusyon kaya ganun na lang kahirap para kay Juan na bunutin sila sa kanilang mga lungga at itapon sa basurahan.

Ang masama pa, eh, kung nagkampihan ang mga ungas, maglalaho na lang na parang bula ang pangarap ni Juan para sa matuwid na daan.

oOo

Teka nga pala, daraanin pala sa Charter Change  o Chacha ang pagbabago sa batas ng impitsmen para mabawasan o madaling mapalitan ang mga korap at luko-lukong impitsabol opisyal.

Malaki palang problema.

Bakit? Aba, sa oras na pumayag tayo sa Chacha, meron palang isisingit ang mga korap na
ibang pagbabago sa Konstitusyon.

Por eksampol, may maglalakad para kapunin si Pnoy sa kanyang limang taong panunungkulan sa pamamagitan ng pagbabago ng sistema sa gobyerno mula presidensiyal sa parliamentaryo.

May maglalakad din para ibigay o ibenta sa mga dayuhan ang mga gusto nilang lupain sa bansa hanggang sa maging iskwater ang marami sa sarili nilang bayan.

Isusubo rin sa mga dayuhan ang 100% na pag-aari sa kahit anong negosyo at tiyak na maghahari-harian ang mga ito gaya ng mga kompanya ng langis.

Sey niyo, Suki.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply