Importasyon ng bigas ipinatitigil

NANAWAGAN ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Bantay Bigas kay Pangulong Aquino na ipatigil na ang importasyon ng bigas nang mag-rally sa harapan ng Department of Agriculture.

Ginawa ng KMP at BB ang panawagan kasunod ng pinakahuling ulat ng National Food Authority (NFA) na lalong nagpapahirap sa bansa ang rice importation.

Sa ulat ng isang audit team na inupahan ng NFA, lumabas sa report na sa ilalim ng administrasyong Arroyo  mula sa 2008 hanggang 2010 sa importasyon ng bigas ay naging legal diumano ang pagpupuslit o smuggling.

“The audit report on the NFA merely confirmed what farmers have long been saying on the government’s rice importation policy – that it is a legalized smuggling scheme. The PSF importation is no less than a legal front of rice smugglers,” ani Danilo Ramos, KMP Secretary-General.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang partido dahil sa ilalim ng administrasyong Aquino ay nagpapatuloy ang importasyon ng bigas.

Sa ngayon ay aprubado na ng NFA inter-agency committee on rice and corn ang importasyon  ng may 860,000 metriko toneladang bigas kung saan ang 660,000 MT nito ay ibibigay sa pribadong sector at ang nalalabing 200,000 MT ay ang gobyerno ang bibili.

Bukod pa aniya dito ay labis ng disbentahe ang importasyon ng bigas sa mga magsasakang Pinoy na matagal na ring pinabayaan .Panawagan pa ng KMP na ang report ng nasabing audit team ay gamitin sana ng administrasyong Aquino na basehan upang tuluyan ng buwagin ang NFA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply