Imunisasyon kontra AH1N1 inilunsad

KAUGNAY ng kanyang “Occupational Health and Safety Program”, inilunsad ni Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. ang proyekto para sa imunisasyon ng mga kawani nito kontra Influenza A H1N1 nitong Lunes, Mayo 2.

Ang AH1N1 ay isang nakamamatay na impeksyon na nagsanhi ng lubos na pag-aalala sa mga pamahalaan sa buong daigdig noong 2009 sa pagtawid nito sa mga kontinente tungo sa pagkakaroon ng isang “pandemic”.

Bagama’t napigil, naniniwala ang mga dalubhasa na nananatili pa rin ang banta dahil sa kakayahan nitong makabalik.

Sakop ng proyektong “Sakit-Free, Absent-Free, Empleyadong Bakunado” ang mahigit-kumulang sa 4,500 permanente, casual at job order employees ng pamahalaang lungsod. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply