Inaway ng kulasisi, mister nagbigti

ISANG mister ang nagbigti sa loob ng kanilang bahay matapos awayin ng kulasisi sa Navotas, Linggo ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Arturo Pascual, 45, messenger ng Marikit St., Tanza, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 6:45 ng umaga nang makitang nakabigti gamit ng lubid ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng kanyang anak na si Justine.

Agad humingi ng tulong si Justine upang kalagin sa pagkakabigti ang ama at madala sa PLM.

Nabatid na bago ang insidente ay pinuntahan ng biktima ang kanyang kulasisi na hindi na nakuha ang pangalan pero inaway lang umano ito, hinalang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply