Indigenous cultural properties poprotektahan

BIBIGYAN ng mahigpit na proteksiyon sa batas ang lahat pambansang cultural heritage sa pamamagitan ng pagpaparehistro ng iba’t ibang cultural properties ng mga katutubo sa buong bansa.

Ganito ang layunin ng isang panukalang batas na inihain ni Sen. Loren Legarda, partikular ang The Tradional Property Rights of Indigenous Peoples Act na may layunin na ipreserba at proteksiyunan ang Pambansang Yaman.

Inaatasan ng batas, ang Senate Bill No. 2831, na magkaroon ng imbentaryo sa lahat ng air-ariang cultural ng iba’t ibang katutubong komunidad sa buong bansa at maningil ng royalties sa paggamit ng pang-kulturang ari-arian.

“Our indigenous peoples have suffered historical injustices in the form of discrimination, deprivation of their ancestral domains and lands, among many other human rights violations,” ayon sa senador.

Ipinaliwanag pa ni Legarda na walang espisipikong probisyon ang Indigenous Peopl’s Rights Act (RA 8371) na nagbibigay proteksiyon sa ating pang-kulturang ari-arian. Walang kakayahang legal at kasanayan ang Intellectula Property Office ng Pilipinas na magsagawa ng proteksiyon sa ating indigenous cultural treasures.

“It is with the passage of this bill that this void is sought to be filled. The National Commission for Culture and the Arts (NCAA) shall lead the creation of a comprehensive cultural archive which shall organize and make an inventory of all cultural properties of the different ethno-linguistic groups of the Philippines. The NCCA shall ensure the registration of ownership to the proper ethno-linguistic group for protection of their intellectual property,” giit niya.

Naniniwala si Legarda na sakaling maipasa ang panukala, mapapalakas nito ang proteksiyon sa pangkulturang yaman ng mga katutubo sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply