Indonesia nilindol

PINAWI ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology ang pangambahang maapektuhan ang Pilipinas sa nangyaring paglindol sa Indonesia na may magnitude na 5.9.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology director Renato Solidum Jr., malayong maapektuhan ang Pilipinas sa paglindol sa Indonsia na naganap bandang 8:14a.m.

“Sa atin walang magiging epekto. Hindi naman makakaramdam ang southern Philippines ng pagyanig,” ayon sa panayam kay Solidum sa dzBB.

Batay sa inisyal na impormasyon, naganap ang pagyanig sa Java area.

“Most likely kung may activity doon lang sa Indonesia,”ayon kay Solidum.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply