Init ng panahon papalo sa 36 degree ngayon

POSIBLENG pumalo nanaman sa 36-degree ang init ng panahon ngayong Lunes, Mayo 2.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, mararanasan ang tindi ng init ngayon bandang 2 hanggang 3 ng hapon.

“Mga 24 to 36 degrees (Celsius) ang forecast natin. Ito [ay] sa pagitan ng 2 hanggang 3 p.m. sa Metro Manila (We can expect 24 to 36 degrees Celsius today, and residents may want to keep out of exposure to the sun between 2 and 3 p.m.),” ayon sa pahayag ng PAGASA forecaster na si Ben Oris sa isang panayam sa dzBB.

Samantala, magiging maulan naman ang Visayas at Mindanao, kasama ang Palawan bunsod ng intertropical convergence zone.

Ayon sa kanilang 5 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na papawirin ang Visayas, Mindanao at Palawan na may kasamang pag-ambon, pagkulog at pagkidlat.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply