Iniwan ng dyowa, 16-anyos naglason

MATAPOS iwan ng kasintahan, nagpatiwakal ang 16-anyos na dalagita sa pamamagitan ng pag-inom ng lason sa Navotas City, Miyerkules ng gabi.

Ang biktima na patay na nang matagpuan habang bumubula ang bibig sanhi ng ininom na silver cleaning solution ay kinilalang si Jhicnes dela Cruz Bulaong,  ng 137 Marikit St., Barangay Tanza, nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon, 6:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang ina na si Aling Victoria, 39, sa silid nito habang nakahandusay at nasa tabi ang bote ng nabanggit na kemikal.

Ayon sa ginang, yayayain sana niyang kumain ang anak ngunit laking gulat nang datnang  patay na ito.

Lumalabas na bago ang pagpapatiwakal ng biktima ay naing malungkutin ito nang hiwalayan ng kanyang nobyo.

Hindi naman umano inakala ng ina ng dalagita na dadamdamin ng anak ang ang naranasang pagkabigo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply