Iniwan ng dyowa, dalaga lumaklak ng asido

“WAG kayong mag-alala pinili ko ito at kagustuhan ko ito”

Ito  ang mga salitang nakasaad sa suicide note ng 27-anyos na dalaga matapos magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng asido dahil sa labis na paghihinagpis nang iwan ng pinakamamahal na kasintahan sa Bangkulasi Navotas City.

Hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan sanhi ng nainom na silver niterate cleaner solution si Ingrid Marquez Lagonson 27, card dealer, ng # 559 Piscador St. , Brgy., Bangkulasi nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Navotas-police  dakong 10:00 ng umaga, kinatok ni Kate Godoy, pinsan ng biktima ang dalaga sa loob ng kanyang silid subalit walang sumasagot.

Makalipas ang ilang minutong hindi pa rin binubuksan ng biktima ang pinto ng kanyang kuwarto ay humingi na ng tulong sa kanilang kapitbahay ang pinsan at sapilitang binuksan ang kuwarto ng biktima.

Laking gulat ng mga ito nang tumambad sa kanila ang bumubula at walang buhay nang biktima dahilan upang tumawag ng awtoridad at sa isinagawang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni Chief Insp. Benigno Asilar Jr. isang silver cleaning ang ginamit ng dalaga sa pagpapakamatay.

Nabatid na bago naganap ang insidente, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at boyfriend nito na humantong sa hiwalayan kung saan bigla na lamang nagkulong ang biktima sa kanyang kuwarto at winakasan ang sariling buhay.

Ayon pa sa kamag-anak ng biktima, nagtangka na rin umanong magpakamatay noon ang biktima subalit agad na naagapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply