Instant noodles positibo sa salmonella, pinababawi

PINABABAWI na ng multinational food manufacturer Nestlé Philippines ang kanilang produktong Maggi instant noodles na nag-positibo sa salmonella.

Sa pahayag ng Nestlé ang dalawang batch ng beef-flavored Maggi Rich Mami Noodles ay natuklasang kontaminado ng salmonella makaraang ang pagsusuri sa routine quality test.

Ang mga ito ay may lot codes na 11020598A2 at 11030598A1. Ito ay makikita sa likod ng produkto sa pagitan ng “best before” date at ingredients list.

Ang salmonella ay isang uri ng bacteria na makukuha sa tubig, lupa, hilaw na itlog at hilaw na karne.

Kapag nakain ito, maaaring maapektuhan ang bituka ng tao. Ito ay magdudulot ng mataas na lagnat, pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Kasama rin sa binababawing produkto ang chicken-flavored instant noodles.

Pinayuhan naman ng Nestlé ang mga consumer na nakabili ng nasabing instant noodles na makaipag-ugnayan o kumontak sa hotline at 898-00-61 (Metro Manila) at 1-800-100-637853 (toll-free for provincial areas).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply