Intern na Kano nanakit ng kapwa intern

ISANG American national na intern sa Medical Doctor ang inireklamo ng kapwa nito intern dahil umano sa pananakit nito sa loob ng hospital sa Sta Cruz, Maynila.

Nagtungo sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktima na si Angustine Eryang upang ireklamo ang nanakit sa kanya na si Oj Fado Jutini, Ameriacn national at nanunuluyan sa Yellow Dormitory sa Mc Arthur Hi-way, Valenzuela City.

Nabatid na dakong alas 5:06 ng hapon  noong Mayo 26 nang maganap ang pananakit ng suspek  kay Eryang sa loob mismo ng Female Medical Ward ng nasabing ospital.

Dahil naka-duty umano ito noong gabing iyon ay hindi agad ito nakapagreklamo sa pulisya kaya kinabukasan pa lamang ito nagreport sa tanggapan ng MPD-GAS.

Ayon sa MPD-GAS maari umanong mayroong hindi napagkaunawaan ang dalawa kaugnay sa kanilang trabaho na nauwi sa pananakit ng suspek sa biktima ngunit  hindi ito matanggap ng huli kaya nagpsaya itong personal na dumulog sa nasabing tangapan upang magreklamo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply