Ipokrito si Fabio Ide

MAY bagong ilusyonado na namang ipinanganak sa showbiz in the person of Hot male/TV host Fabio Ide na isang Brapanese (Brazilian-Japanese). “Gaya-gaya puto maya” ang drama nitong si Fabio sa mga actor natin na di raw pumapatol sa bading at matrona kahit pa ang offer ay milyones, house and lot at luxury cars. Pero saan ka, dati-rati kahit gin lang sa oval plaza ng malayong probinsiya nag-papakufelya na ang sikat nating teevee personality sa kasalukuyan.

Well, pagbigyan  natin ang drama ni Fabio kung saan nag-dialogue pa raw ito na never raw talaga siyang papatol sa mga indecent proposal coming from gays and matrons., “I come from a decent family who taught me good values in life, that’s why I’m working so hard, you know, for me and my family,”

“But I would never accept that offer even it will cost millions, ten or hundreds of millions.  I would never go to bed with guys, girls or any person for that matter. Never!” pagdidiin pa ni Fabio.

Naku! Kuya, baka kapag ipinakita na sa iyo ang datung e, magbubukas ka na ng zipper, di kaya? Just asking. Di nga ba’t nakipagtikiman ka na kay Rufa Mae Quinto with matching talent fee?

Umamin!

***

Kadatungan ni RR Enriquez saan nanggaling?

SAY, pa ni Viveng Vukangkang na sister nina Viveng Vukengkeng (punong-bantay ng showbiz) saan raw ba nanggagaling ang mga datung ni RR Enriquez at kahit na wala itong gaanong project sa ABS-CBN ay bonggacious pa rin ang kanyang lifestyle? Imagine, with matching fabulous condo in Greenhills, luxury cars at carry magdala ng entourage sa abroad at Boracay every Holy Week?

Hindi lang ‘yan, afford rin ng babaing ito na bumili ng milyones na paintings kay Oslang Bubonika Bubogita!

Well, ang sabi ni RR-Rita the OPM girl, mayaman daw ang kanyang pamilya sa Cavite. Hindi kaya courtesy ‘yon ng mga nami-meet niyang mayayamang menchung? Nagtatanong lang po!

***

Sa Sunday na ang show ni Vice Ganda

NASAKSIHAN namin ang taping ng bagong show ni Vice Ganda sa Dos na “Gandang Gabi VICE” na mag-uumpisa ng umere this sunday after “Pilipinas Got Talent.” Sa totoo, maganda ang konsepto ng programang ito ni Vice and we find it very entertaining. Galing naman kasi si Vice sa mga sing along bar kung saan matagal na panahon rin siyang naging star stand-up comedian sa mga ganitong venue kaya nasa na siya pagdating sa pagbibigay-aliw sa kanyang audiences.

Pagkatapos, nasanay naman  siyang humarap sa camera via his “Showtime” kung saan siya talaga ang pinapanood at inaabangan rito ng fans.

Kaya hindi nagkamali ang Dos at kay Vice Ganda nila ibinigay at ipinagkatiwala ang solo comedy talk show na ‘to. Hindi lang kasi ito kantahan at sayawan kundi may moment rin  ang mga viewers na mahilig mag-Facebook, Twitter, ganon na rin ang audience na may problema sa love.

Anyway, every episode ay may mga makakasamang big star na magsisilbing co-host ni Vice.  Kaya watch nyo na, mga Kafatid, ang one-of-a-kind show na ito na magiging lunas sa inyong kalungkutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply