Ipuwesto si Kiko bilang Ombudsman –Jinggoy

INIREKOMENDA ni Sen. Jinggoy Estrada sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayon, Lunes, ang kasamang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang kapalit ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

“Matagal na itong kumakalaban sa korapsiyon,” paglalarawan ni Estrada kay Pangilinan.

Ayon kay Estrada, dapat pumili si Pangulong Benigno Aquino III ng isang indibidwal na walang bahid ang serbisyo publiko at may kakayahan sa batas.

“But above all, he or she must be one with the administration’s relentless crusade of running after and punishing the corrupt,” giit ni Estrada.

Ngunit may ilang nagsasabi na ang nasabing rekomendasyon ay may intensyong pulitikal na may epekto sa pampanguluhang halalan sa taong 2016.

Anila, ibig ni Estrada na idiskaril ang posibleng kandidatura ni Pangilinan dahil posibleng makatunggali ng huli ang una.

“Why not Sen. Kiko Pangilinan? He has been active in instituting reforms within the judiciary and an advocate of good governance,” ayon kay Estrada.

Matatandaan na kapwa may ambisyon sina Estrada at Pangilinan sa pagka-Bise Presidente sa 2016.

Ayon kay Estrada, dapat tuparin ng administrasyon ni Pangulong Aquino ang pangako nito noong kampanya hinggil sa krusadang “kung walang korap, walang mahirap” na siyang inaasahang mangyari ng 15 milyong bomoto sa kasalukuyang chief executive.

“President Noynoy ran under an anti-corruption platform during the campaign for the presidency, and the 15 million people who voted for him expect nothing less than eradication of corruption under his watch,” giit ni Estrada.

Naniniwala si Estrada na magagampanan ni Pangilinan ang tungkulin laban sa korapsiyon dahil walang ibang sandata ang administrasyon laban sa tiwaling opisyal at tauhan ng gobyerno kundi ang Office of the Ombudsman.

“With the defeat of his first Executive Order creating the Truth Commission which aimed at putting closure and delivering justice to past graft and corruption cases, the Ombudsman takes the role of the country’s number one graft-buster,” ayon kay Estrada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply