Ironmen kumalas sa 4-way tie sa PBA D-League

ISANG triple na pinakawalan ni Red Warrior top shooting guard na si Paul Lee sa huling 1.3 segundo sa pagtatapos ng last quarter ang naghatid sa Cobra Energy Drink sa 71-70 panalo laban sa FCA Cultivators sa PBA D-League sa San Juan Gym.

Sa pagkakapanalo ng Ironmen ay nasungkit nila ang ika-apat na panalo para iwan sa 3-1 win-loss slate na pantay-pantay ang Cebuana Lhuillier Gems at Max! Bond Sumos habang nalaglag sa 3-2 ang FCA Cultivators sa Group B ng PBA D-League Foundation Cup.

Naghabol sa loob ng apat na quarters ang koponan na pansamantalang ginabayan ni Asst. Coach Eric Gonzales na humalili kay regular mentor Lawrence Chongson na kasalukuyan na isang business commitment sa United States.

Sa naunang laro, pinadaosdos ng Freego Jeans ang Pharex Bidang Generix sa kanilang ika-apat na talo, 72-54, tungo sa ikalimang puwesto kapantay ng Pacific Pipes, 2-4 slate habang umangat ang team ni Coach Leo Isaac sa ika-apat na puwesto sa Group A.

Sa pagbabalik-laro bukas ng hapon, magsasalpukan ang dalawang basa ilalim ng team standings sa Group A na Café France, 0-5, at ang Junior Powerade, 1-4, habang magkakasubukan naman ang Cebuana Lhuillier Gems ni Coach Luigi Trillo at ang Pido Jarencio-mentored Max! Bond Sumos na tangan kapwa ang 3-1 record para sa pagsama sa Cobra Ironmen sa top post sa Group B ng magwawagi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply