Isalba sa kahihiyan ang pangulo

LALONG umiinit ang balitaktakan sa nabulgar na VIP (Very Important Person) treatment sa sikat at may salaping detainees sa Bilibid.

Mula sa nabuking na bawal na paglabas-labas ni murder convict ex-Gov. Antonio Leviste sa kanyang maximum cell, ang isyu ngayon ay lumawak at nabaling kay Bureau of Correction Director Ernesto ‘Totoy’ Diokno.

Dahil sa kontrobesyang ito, negatibong komento na naman ang inaabot ni Pangulong Noynoy Aquino. Idagdag mo pa ang ulat na matalik na kaibigan ng Pangulo si Diokno kaya naitalaga sa puwesto.

Si Justice Secretary Leila De Lima na bossing ni Diokno dahil ang BuCor ay nasa ilalim ng Department of  Jutice – ay nagsalita sa media. Aniya – dapat na raw mag-resign ang dating police general sa posisyon.

Kahit na ‘di direktang ipinahayag na magbitiw na si Diokno, subalit sa tema ng kanyang pananalita sa media interview, malinaw na pinagre-resign na rin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang ex-general.

‘Di lang sina Sec. De Lima at Sec. Lacierda, kundi napakarami pang iba ang nagpahayag ng kanilang saloobin na magbitiw na si Diokno, pero imbes na magbitiw, nagsumite lang ito ng leave of absence.

Naiintindihan natin ang saloobin ng marami kung bakit ganun na lamang ang panawagan na magbitiw na si Diokno.

Ito’y para maisalba ang Pangulong Aquino sa negatibong komento at kahihiyan mula sa nabulgar na ‘takasan’ sa Bilibid Prison dahil nga sa pagkakadiskubre kay ex-Gov. Leviste sa labas ng kulungan.

Sa principle of command responsibility, suwak si Diokno, kahit pa pilit na isinisisi ang nabulgar na kalokohan sa mga namumuno ng New Bilibid Prisons sa pangunguna ni Superintendent Ramon Reyes.

Si Diokno ay isang pulis na  nagmula pa sa Manila’s finest, kaya batid niya kung ano ang ibig sabihin ng command responsibility. Maliban na lang kung siya’y naging heneral na ‘niluto’ lamang ang pagiging heneral.

Napakabait ni PNoy dahil ‘di kaagad sinibak si Diokno pero dapat na sigurong magbitiw si Diokno bilang director ng BuCor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply