Ex-convict ng Manila City Jail niratrat

BINISTAY ng bala ang isang kalalaya pa lamang na kaanib ng Sigue-Sigue Commando, habang naglalakad sa kalye ng gabi ng Linggo sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Rougart Toledo, 30, binata, walang trabaho, ng Project 2, Lungsod Quezon.

Batay sa report na isinumite nina Det. Alonso Layugan kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 9:10 ng gabi ng Linggo nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Jose Abad Santos Ave. at Quiricada St. sa Tondo.

Nabatid sa initial na ulat ng pulisya na naglalakad noon ang biktima nang biglang sumulpot ang salarin na lulan ng isang Toyota Innova na wala umanong plaka, saka walang habas na pinagbabaril ang biktima.
Hindi na nagawang maisugod sa malapit na pagamutan si Toledo dahil nalugmok na ito sa kalye na tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman ng pulisya na kalalaya pa lamang umano ni Toledo sa Manila City Jail, na nakulong noon sa kasong robbery.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply