Isang hamon kay Hen. Antonio Decano

MAY bagong director ng Northern Police District (NPD) o kilala sa tawag na Camanava area sa katauhan ni C/Supt. Antonio Decano.

At sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang pamumunuan ang NPD ng isang graduate ng Philippine National Police Academy.

Si Decano ay miyembro ng PNPA Class ’80 at isa sa dadalawang PNPA general ngayon sa Philippine National Police (PNP).

Ang isa – si Director Danilo Abarzosa  ay kasalukuyang Human Resource and Development Division chief sa Camp Crame.

Maituturing na kasaysayan ang pagkakatalaga ni Decano sa puwesto sa panahong ang namamayani sa PNP ay PMAyers.

Kahit kasi saan ka lumingon, mga magmi-mistah ang may hawak sa maraming posisyon. Kumbaga, hawak nila ang police organization.

Marahil, pagkakataon na ni Decano na ipakitang ang PNPA, katulad ng PMA, ay may kakayahan sa pagharap sa kanilang sinumpaang trabaho.

Isang hamon sa PNPA general ang supilin ang mga namamayaning kriminal sa Camanava area, lalo na sa Bukid area, Caloocan.

Sa lugar na ito na kilala rin sa tawag na Camarin area, nakatitindig-balahibo ang mga nangyayaring holdapan at patayan.

Walang lumilipas na araw na walang holdapan, lalo na ang patayan na ikinababahala ng mga residente sa lugar.

Para magtagumpay ang bagong NPD chief sa paglaban sa krimen, kailangan siyang kumuha ng magagaling na police officials.

Mga opisyal ng kapulisan na masipag magtrabaho at kung masisilaw sa kinang ng salapi ay  di naman dapat maging garapal.

Sa totoo lang kasi, karamihan sa mga opisyal ngayon ng pambansang kapulisan ay di trabaho, kundi pagkakitaan ang hanap.

Yon bang ang unang tanong kapag lumapag sa bagong assignment ay kaagad inaalam ang mga pagkakakitaan ng ‘tongpats.’

Yun bang ang tipong tanong ay malakas ba ang smuggling, droga,  sugalan at may mga Intsik ba na makokotongan diyan!

Kaya laging lagapak ang PNP sa pagsasakatuparan sa kanilang responsibilidad ay dahil sa pagkalulong ng maraming opisyal sa tongpats. Yan ang katotohanannnnnn!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply