Isyu sa droga tatalakayin ni PNoy sa Thai PM

TUTULAK patungong Thailand si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa Mayo 26-27 para talakayin kay Thai Prime Minister Abhisit Vejjajiva ang pagpapalakas sa paglaban sa mga sindikato ng droga na bumibiktima sa mga inosenteng Pinoy.

Maliban sa isyu ng droga, pag-uusapan din ng dalawang lider ng bansa ang mga isyu sa kooperasyon sa agrikultura at ang programa ng Public-Private Partnership (PPP) na isinusulong ng administrasyong Aquino.

“President Aquino is expected to present the Administration’s Public-Private Partnership (PPP) program to Prime Minister Abhisit and Thai business groups, as well as discuss cooperation in new areas including combating drug trafficking and agriculture cooperation, and cooperation in regional and multilateral fora,” ayon sa report na ipinadala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Malakanyang.

Idinagdag pa nito na ang dalawang araw na official visit ni Pangulong Aquino sa Thailand ay magpapatibay din sa bilateral relations ng dalawang bansa na kapwa miyembro sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at magkatulungan na maisulong ang ASEAN Community sa taong 2015.

Nakatakda rin na makaharap ng Pangulo ang mga Pinoy na nananatili sa Thailand upang pasalamatan ang mga ito sa patuloy na pagpapadala ng remittance sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas na nagiging sandigan ng ekonomiya ng bansa.

Pasasalamatan din ng Pangulo ang mga namumuno sa Thailand sa pagbibigay oportunidad sa mga kababayan na makapag-trabaho sa kanilang bansa.

“Dating back to 1949, bilateral relations between the Philippines and Thailand are among the most robust and stable in the Asian region. The two countries have regular exchanges of high-level government visits, healthy trade and investment environments that have encouraged major Philippine and Thai companies to invest in each other’s countries, and friendly people-to-people interactions that have promoted closer social and cultural understanding between and among their citizens,” ayon pa sa DFA.

Ang pagbisita ni Pangulong Aquino sa Thailand ay bilang tugon sa imbitasyon na ibinigay ni Thai Prime Minister Abhisit Vejjajiva. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply