Isyu ng kalusugan ginagamit ni Andal Sr.

NAGDUDUDA na ang mga prosecutors na ginagamit lamang ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., isa sa mga suspek sa karumal-dumal na Maguindanao Massacre, ang isyu sa kanyang kalusugan para maiwasan ang arraignment sa kaso.

Kasamang nasasakdal ng dating gobernador ang kanyang anak na si Andal Ampatuan Jr.

Nitong nakalipas na Biyernes ay pinayagan ng korte si Andal Sr. na sumailalim sa full medical checkup kaugnay sa iniinda nitong sakit sa paa.

Nais ngayong pagpaliwanagin ng mga prosecutor ang doktor ng gobyerno, na siyang nagrekomenda para mapatingnan sa isang pribadong manggagamot sa labas ng kulungan si Andal Sr.

Una rito, inirekomenda sa korte ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) physician Ma. Victoria Valeria na mapatingnan sa Makati Medical Center ang matandang Ampatuan dahil sa pamamaga ng paa nito.

Inirekomenda rin nito ang isang Dr. Glenn Santos, na umano’y dapat tumingin kay Andal Sr.

Pero inihayag ni Atty. Nena Santos, isa sa mga private prosecutor, na kanilang natuklasan na walang doktor na nagngangalang Glenn Santos sa nabanggit na ospital.

“We checked the internet, called the hospital and then went there to check, but there’s no Dr. Glenn Santos at Makati Med,” ayon sa abogado

Sa ipinalabas na kautusan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 22, sa halip na sa Makati Medical Center gagawin ang checkup aykailangan umanong gawin ito ng mga doktor ng Philippine General Hospital o ng Armed Forces Medical Center.

Noong nakaraang Linggo lamang ay tinutulan ng mga Ampatuan ang pagtestigo ni Rasul Sangki laban sa kanila dahil hindi raw ito kwalipikado.

Sa inihaing motion for reconsideration (MR) ng mag-amang Ampatuan kay Judge Reyes, iginiit nila na nagkamali ang korte sa pagtrato kay Sangki bilang ordinaryong testigo.

Anila, hindi ordinaryong saksi si Sangki kaya’t dapat makumpleto muna niya ang requirement na itinatakda ng batas, lalo na ang Witness Protection Security and Benefit Act o RA 6981, bago siya maging testigo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply