Iwas-pusoy si Empress!

AYAW magdetalye ni Empress Schuck at sinasabing wala siyang alam sa kung anu-anong intrigang naglalabasan hinggil sa grupo nila nina Kim Chiu, Melissa Ricks, Beauty Gonzales, Erich Gonzales at Kitkat na “Chiurigogobaschu” na kesyo nag-aaway-away sila at malapit nang mabuwag.

“Hindi po kami nag-aaway-away,” deklara niya.

Hindi raw niya alam ang tungkol sa mga intrigang naglalabasan tulad ng tsikang magkaaway daw sina Erich Gonzales at Kim Chiu dahil as far as she’s concerned ay wala raw siyang isyu in any of the girls.

“Hindi po ako si Erich, hindi rin ako si Kim so hindi ko po masasagot ‘yung tungkol sa tsismis na nag-aaway sila. Basta kung ako po ang tatanungin, okay naman po ang grupo,” paliwanag ng dalaga.

Mas type pang pag-usapan ni Empress ang nalalapit na airing ng “Guns & Roses” sa June 6 kung saan ay kasama niya sina Robin Padilla, Bea Alonzo at Ejay Falcon.

Challenging daw ang role niya sa nasabing serye and ngayon lang daw ulit siya mapapanood sa primetime slot after quite sometime.

Kamakailan ay nagbukas din siya ng franchise ng Artista Salon sa Meycauayan, Bulacan kaya nakaka-impress ang dalaga na sa murang edad niya ay alam na niyang i-invest sa negosyo ang perang kinikita. Next target naman daw niya ay lupa.

***

SENYALES ng blessings ang  maulan na 25th wedding anniversary nina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado na ginanap sa  The Shrine of St. Therese of the Child Jesus in Villamor Airbase, officiated by Cavite Bishop Luis Antonio Tagle.

Umiiyak si Lani habang sinasabi ni Bong ang: “When I saw you 27 years ago, I knew I wanted to marry you and for you to become the mother of my children. You are the only soul meant on this earth for me. I will not change… I will be the same Bong that you fell in love with. Till death do us part…

“They say that behind every successful man is a strong woman and they’re right. Thank you for being a pillar for me during my political career. I will choose you to be my wife and the mother of my children in the next life. May the Lord bless us for another 25 years…

“I love you, I love you. I’m yours alone forever.”

Sey naman ni Lani: “Papa, we both know people have their own way of looking at our relationship. We proved them wrong… I never suffered from the intrigues, except the you-know-what. I never suffer. I just keep on loving and understanding you. I don’t expect any more hurts from the you-know-what department from now on, Papa.”

“Thank you for being my greatest leading man. Kahit pitong beses lang tayo nagkasama, ikaw pa rin ang leading man sa araw-araw na shooting natin sa ‘The Life and Times of Bong and Lani.’

“Sana ay mahalin mo pa ako kahit lola na ako,” sambit pa niya.
Sa reception sa Sofitel ay  sina Paolo Contis at Iza Calzado ang program host. Ang La Diva naman ang umawit ng invocation song na The Prayer.

Marami ang natuwa sa pagdating ni Regine Velasquez at nag-duet sila ni Ogie Alcasid. Bagamat malaki na ang tiyan ng songbird ay tumaba  at maganda ito. Hula nga ng marami ay babae ang magiging anak nito.

Kumanta rin ang Revilla kids at rebelasyon sa amin si Luigi na may boses pala ito.

Kahit si Senator Bong ay kumanta rin: “Hindi naman ako singer pero walang kayong choice kundi makinig sa akin.”

Ilan sa mga namataan namin sa reception ay si Rep. Manny Pacquiao, dating First Lady  Imelda marcos, Senator Jinggoy Estrada, Precy Ejercito, Tates Gana,  Lorna Tolentino, Eddie Gutierrez, Anabelle Rama, Ruffa Gurtierrez, Assunta De Rossi, Richard Gumez and Congresswoman Lucy Torres, Ricky Davao, Gladys Reyes, Kon.Shalani Soledad at marami pang iba.

Congrats!

***

GINAWARAN ng gold award ang ABS-CBN Corporation bilang pagkilala sa mahusay nitong pamamalakad ng kumpanya. Ang parangal ay mula sa Institute of Corporate Directors (ICD).

Ang ABS-CBN ay nagkamit ng score na 95% sa Corporate Governance Scorecard ng ICD. Mataas ito ng dalawang puntos mula sa nakamit na grado ng kumpanya noong 2010 na 93%. Patunay lamang ito na ang ABS-CBN ay nanatili bilang isa sa mga kumpanyang may pinakamaayos na pamamalakad.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na ang ABS-CBN ay nakatanggap ng parangal mula sa ICD.

Kasama ang iba pang kumpanya mula sa iba’t ibang mga sector, ang ABS-CBN ay binigyan ng grado base sa mga sumusunod: karapatan ng shareholders, pantay na pagtrato sa kanila, papel ng stakeholders sa kumpanya, pagiging bukas at klaro sa lahat at ang mga responsibilidad ng board sa bansa.

Ang parangal ay iginawad sa ginanap na 8th ICD Annual Dinner  noong Miyerkules (May 25) sa The Manila Peninsula.

Sina ABS-CBN chief finance officer Ron Valdueza at corporate communications head Bong Osorio ang tumanggap ng parangal.

Ang ICD ay isang premyadong organisasyon sa Pilipinas na may layuning itaas ang kalidad ng pamamalakad ng mga kumpanya sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply