Jailguard, arestado sa P2.1-M halaga ng shabu

INARESTO ang isang jailguard at ang kasamahan nito matapos mahulihan ng may 300-gramo shabu na katumbas ng P2.1 milyong halaga sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cubao, Quezon City.

Batay sa isinumiteng ulat kay PDEA director general, Usec. Jose S. Gutierrez, Jr., ng PDEA Metro Manila Regional Office (PDEA-MMRO) naaresto nila ang suspek na si Roldan Avillonozo Ramilo, 50, nakatalagang prison guard sa Bureau of Corrections (BOC) at ang kasama nitong si Rochie Ordas Ong, 34, kapwa residente ng Golden City Subdivision, Imus, Cavite.

Nakumpiska rito ang tatlong nakataling plastic bag na naglalaman ng shabu na may bigat na 300 gramo at may street value na P2.1 milyon at isang kulay maroon na Nissan Sentra Super Saloon (UAS 442).

Dahil dito, ang dalawa ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26b (Conspiracy to Sell Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply