Janitor ng isang dorm natagpuang patay

PATAY na nang matagpuan ang isang 54 anyos na maintenance worker ng isang dormitoryo Martes ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Ireneo Alinsagay, tubong-Negros Occidental, stay-in maintenance worker ng Mother Rita Lady Dormitory na matatagpuan sa 1269 Gelinos St., Sampaloc, Maynila.

Sa report ni SPO3 Jerry Rivera, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, na dakong alas-siyete ng umaga nang madiskbre ng ilang mga nakatira sa nasabing dormitoryo ang siyang nakadiskubre sa pagkamatay ng biktima sa ground floor ng Mother Rita Lady Dormitory.

Dahil dito, agad nilang inireport ang insidente sa pulisya.

Ayon kay Rivera, hinihinalang inatake sa puso ang biktima dahil wala naman umanong nakitanag anumang sugat sa kanyang katawan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply