Japan, Mexico nilindol

NIYANIG ng malakas na lindol ang Japan at Mexico kagabi, Mayo 5.

Ayon sa US Geological Survey, niyanig ng lindol ang silangang baybaying bahagi ng Japan na may lakas na magnitude 6.1. Wala namang napaulat na nasaktan o nasugatan.

Samantala, nabatid din sa US Geological Survey, niyanig ng lindol ang Mexico City na may magnitude na 5.8.

Naitala ang epicenter nito sa may timog kanluran ng Guerrero.

Nabatid kay Mexico City Mayor Marcelo Ebrard, normal naman ang public transportation at wala ring nasirang mga gusali.

“From a revision of cameras, helicopters and patrols, we have no reports of damage,” wika ni Mayor Ebrard.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply