Japanese national hinoldap ng 14 kabataan

NAMAMAYAGPAG na naman ang grupo ng kabataang nambibiktima ng mga dayuhan sa Maynila matapos biktimahin ang isang Japanese national habang naglalakad sa Ermita Maynila Biyernes ng gabi, Mayo 27.

Personal na dumulong sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktima na si  Yasuhito Suzuk, 37, tubong Japan at nanunuluyan sa Executive Plaza Hotel sa Ermita, Maynila.

Sa ulat ng MPD-GAS, dakong alas7:00 ng gabi ng harangin si Suzuki sa may harapan ng City State Tower sa P. Faura st., Ermita, Maynula ng may 14 na kabataang mga lalaki at babae na karamihan umano ay mukhang menor de edad.

Isa-isa umanong nangapkap ang mga kabataang suspek at kinuha ang dalang P35,000 cash at Y74,000 yen money ng biktima.

Matapos na malimas lahat ng pera ng biktima ay normal lamang na naglakad ang mga suspek palayo sa lugar.

Agad namang nagtungo sa headquarters ang biktima upang magreklamo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply