Jaro ready na sa IBF defense

NAKAHANDA na si Sonny Boy Jaro sa kanyang pagdepensa ng hawak na IBF light flyweight Pan Pacific title sa Ynares Plaza sa Binangonan, Rizal sa June 18 laban kay Rey Migreno.

Si Jaro (32W-10L-5D, 21 KO’s) ay umiskor ng first round knockout win laban kay Henry Acha noong May 14 sa Maigo, Lanao del Norte.

Napanalunan niya ang kanyang IBF regional title noong May 31. 2010 sa pamamagitan ng sixth round KO win laban kay Arman dela Cruz.

Sapul noon ay hindi pa niya nadedepensahan ang kanyang titulo.

si Migreno (14W- 15L-2D, 12 KO’s) naman ay dating PABA flyweight belt.

Ayon sa handler ni Jaro, sa oras na magpatuloy ang sunod-sunod na panalo ang kanyang alaga ay ihaharap niya ito para sa IBF eliminator laban kay Nerys Espinosa ng Nicaragua na nais niyang idaos sa bansa.

Matatandaan na ang 29-anyos na Jaro ay nanalo ng Philippine at OPBF lt.flyweight titles ngunit nabigo naman sa kamay ni Giovani Segura ng Mexico sa isang single round sa pagtatangkang makuha ang WBA world light flyweight title.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply