JBC tuloy sa pagtanggap ng nominasyon para sa bagong Ombudsman

PATULOY na tumatanggap ng nominasyon at mag-screen ng mga kandidato para sa posisyon ng Ombudsman ang Judicial and Bar Council (JBC).

Ang anumang kapasyahan na gagawin ng JBC hinggil dito ay isusumite naman sa tanggapan ni Pangulong Noynoy Aquino para sa pinal na desisyon o paghirang ng bagong Ombudsman.

Kaugnay nito, sinabi ni acting Ombudsman Orlando Casimiro na habang wala pang Ombudsman, patuloy naman ang pagtupad nila sa mandate ng ahensiya.

Anya, patuloy ang pagtanggap ng ahensiya ng mga reklamo, pag-imbestiga sa mga kasong naisasampa sa Ombudsman.

Sa ilalim ng RA 6770- Ombudsman Act of 1989, ang Pangulo ng bansa ay kailangang magtalaga ng bagong Ombudsman tatlong buwan makaraang mabakante ang posisyon ng dating Ombudsman.

Gayunman, ang pagbibitiw sa puwesto ni dating  Deputy Ombudsman for Luzon Mark E. Jalandoni at ang pagpapatupad ng Malakanyang sa dismissal order laban kay Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO) Emilio Gonzalez III, ay patuloy na naka-pending sa naturang sectoral offices.

Sinabi ni Casimiro na siya ay aaktong Acting Ombudsman hanggat walang naitatalagang bagong Ombudsman si Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply