JC Tiuseco at Ali Sotto sumama ang loob sa GMA 7

SUMAMA raw ang loob ni Ali Sotto sa biglaang pagkatsugi ng kanyang show na Star Box. All the while daw akala niya ay kuntento ang mga taong nasa likod ng show dahil mataas naman raw ang kanilang rating.
Nang biglang dumating ang sad news na ititigil na ang show pagkatapos ng six weeks. Hindi man lang daw siya at co-host na si Papa Jack nakapagpaalam sa kanilang mga followers.
Gustung-gusto pa naman daw ni Ali ang show since it allowed her and Papa Jack to have direct contact with their mahihirap na subjects which is different from other  shows na nilabasan niya.

***

Isa pa sa sumama raw ang loob sa GMA 7 ay si JC Tiuseco. Bigla raw kasing binago ang role nito sa lead starring role ni Jackie Rice na magsisimulang umere ngayong Lunes.
Originally, si JC ang leading man ni Ms. Rice at mabait ang kanyang character na isang probinsiyano.
Pero matapos raw na kausapin nang masinsinan ng production staff ay napapayag na rin ang Survivor Philippines grand winner sa pagbabago ng kanyang role. Hindi raw lalabas na masama ito at hindi rin siya tatanggalin bilang leading man ni Jackie.
Kahit may itinatagong sama ng loob ay hindi ito pinakita at ipinaramdam ng aktor sa ginanap na presscon ng naturang serye kaya binansagan tuloy siyang Mr. Smile.

****

How true na nanuntok ng kaniyang staff si John Estrada at sa harap pa raw mismo ng audience sa studio na pinagdadarausan ng kanyang noontime show sa Dos?
Ayon sa tsikang nakarating sa amin, hindi raw yata nagustuhan ni John ang pagtataas ng boses ng naturang staff ng kanilang show sa contestant kaya nag-init daw ang ulo ng aktor at nasuntok ang staff.
Ayon naman sa source, bingi raw diumano ang staff kaya malakas ang boses nito na kung hindi mo alam ang sakit nito sa pandinig ay sasabihin mo talagang bastos at mayabang.
Pero in fairness naman sa ginawa raw diumanong aksyon ni John sa staff ng show, matagal na raw yatang may ‘ugali’ itong di raw kagandahan kaya napundi na rin ang actor.
Tsika nga ng ilang kasamahan  natin sa panulat, na sila rin daw ay nakaranas na rinng kayabangan nito sa show.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply