Jennylyn, Luis at Dennis nagkita-kita sa isang concert

NAKITA sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano na nanood ng concert ng Maroon 5. kasama nila ang kapatid ni Luis. Ang liit lang ng mundo dahil nandoon din ang ex-boyfriend ni Jen na si Dennis Trillo.

May chism na may nagseselos sa pag-amin ni Luis sa panliligaw niya kay Jen.

Bakit kasi hindi siya lumantad at umamin din?

***

MALI ang  tsismis na nakipag-meeting si Heart Evangelista kay Boss Vic Del Rosario dahil kinukuha itong co-host ni Willie Revillame sa ‘Wil Time, Big Time’ ng TV5.

True na nasa Viva Entertainment na si Heart Evangelista. Pero ito ay para sa bookings and endorsements lang. Ang TV contract niya ay sa GMA-7 pa rin, at ang movies naman ay sa Regal Films. Clear?

***

NAGSALITA si Jinkee Pacquiao sa victory party ni Congressman Manny Pacquiao sa Corinthian Club House courtesy of Gov. Chavit Singson. Tinanong kasi kung handa ba siya kung sakaling tumakbong presidente si Pacman sa susunod na eleksyon?

“Matagal pa siguro ‘yan. Di ko pa iniisip ‘yan. Tingnan na lang natin. If God’s will, why not,”  sambit niya.

May sey ba siya kung kailan dapat mag-stop si Manny sa boxing?

“May sey ako na puwede kong sabihin sa kanya na dapat na siyang mag-stop pero wala akong sey kung kailan siya hihinto kasi siya pa rin ‘yung magde-decide,” saad pa ni Jinkee.

Binabawalan din ba siya ni Pacman sa career niya? Hindi lingid sa atin na may mga offer kay Jinkee na magkaroon ng tv show.

“Sa TV..siguro kung may kasama akong co-host o mga lalaki, ayaw niya nang ganun. Baka raw pagtsismisan ako, so ayaw niyang makarinig ng mga ganoon. Hindi naman sumasama ang loob ko kasi okey lang naman kung walang co-host, ako lang. Okey lang din para wala nang gulo.”

Di ba natsismis sila dati ni Derek Ramsay kaya parang sinabi ni Pacman na ‘wag na siyang mag-showbiz?

“Ay dati pa naman talaga na hindi niya ako pinapayagang mag-showbiz,” sagot niya.

Kumusta na sila ni Derek? Naapektuhan ba ang friendship nila after nilang matsismis?

“Pinagtatawanan nga lang namin, e! Parang wala lang,” aniya pa.

May communication pa sila ni Derek?

“Matagal na ‘yung sasabihin niya, manonod siya ng fight ni Manny parang ganoon. Nanood nga ‘yan sa Dallas, di ba? Kasama niya sina Dra. Belo, ‘yun lang,” pagtatapos ni Jinkee.

***

HAHATAW si Janelle Jamer sa kanyang concert sa Teatrino, Greenhills  ngayong Hunyo entitled “Jel Believer Live”

Sa June 3  ay makakasama niya ang  Wowowee Girls na dati niyang kasamahan.

MGa dati niyang kasamahan sa ‘Pilipinas Win na Win’ naman ang kasama niya sa June 10. Ito’y ang Hitmakers (Rico J. Puno, Marco Sison and Nonoy Zuniga) Parehong Friday yan,  8 p.m.

Benefit show ito for street children.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply