Jihad ibinabala vs ARMM polls postponement

IBINABALA ng ilang opisyal, kabilang ang mga mamamayan sa Marawi City na maglulunsad sila ng malawakang jihad kapag ipinagpaliban ng Palasyo ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Ito ang iniulat ni Sen. Juan Miguel Zubiri matapos ibulgar na may ilang opisyal ng Malakanyang ang nambabraso sa kanya upang palitan ang kanyang posisyon at paboran ang panukala ng Palasyo na ipagpaliban ang ARMM elections.

Ayon kay Zubiri, kasama niya sa isinagawang pagdinig sa Marawi City sina Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. chairman ng Senate committee on local governments at Sen. Francis “Chiz” Escudero, ng justice and human rights.

Sinabi ni Zubiri na mahigpit na tinututulan ng mamamayang Muslim sa Marawi City sa ginanap na pagdinig sa isang gym sa lungsod ang panukala ng Palasyo na magtalaga ng officer in charge sa ARMM saka ipagpaliban ang halalan sa 2013.

“Overwhelming po ang ayaw ma-postpone ang elections. Lalo na sa usaping pag-appoint ng opisyales duon, sabi nila anong klaseng awtonomiya ang ibinigay nyo sa amin na i-appoint lang pala ang aming pinuno, leaders dito,” ayon kay Zubiri mula sa pananaw ng taga-Marawi.

Sinabi pa ni Zubiri na tila nililto ng Palasyo ang mamamayan sa ARMM dahil nauna nang ipinangako ng pamahalaan na pansamantala lamang ang pagpapaliban ng halalan na magtatagal hanggang anim na buwan upang bigyang daan ang preparasyon.

“Pero iyong postponement noon po ay pinakamatagal na po ang anim na buwan, pinakamatagal na iyon eh ito dalawang taon, ay matindi rito iyong dati hold over, extended lang ang termino ng nahalal nang kahit papaano, hindi po mag-a-appoint tulad ngayon,” paliwanag niya.

Inihayag pa ni Zubiri ang sentimiyento ng mamamayan sa Marawi partikular ang pagpupumilit ng Palasyo na ipagpaliban ang ARMM election kaya’t nararapat na lamang umanong palitan ang pangalan ng kanilang rehiyon tungo sa MGMM (Malacanang Government of Muslim Mindanao),” ayon pa kay Zubiri.

Kasabay nito, hiniling ni Zubiri sa opisyal ni Pangulong Benigno Aquino III na huwag na siyang pilitin na magpalit ng posisyon laban sa pagpapaliban ng ARMM election dahil paninindigan niya ang binitiwang salita hinggil dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply