Jinggoy naalarma sa paglobo ng unemployed

IKINAALARMA ni Sen. Jinggoy Estrada ang paglobo ng bilang ng mga unemployed sa bansa.

Ginawa ni Estrada ang pahayag matapos umabot sa 11.3 milyong Pinoy ang walang hanapbuhay simula noong Nobyembre, 2010 hanggang Marso ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Estrada, chairman ng Senate committee on labor and employment, ito ang kauna-unahang pagkakataon na umabot sa walong pigura ang marka ng unemployment sa bansa at masama aniya ang epekto nito dahil marami ang magugutom na pamilya.

Dahil dito, hiniling ni Estrada kay Labor Secretary Carmelita Baldoz na aksyunan ang paglobo ng bilang ng unemployment rate at palakasin ang technical skills ng mga manggagawa.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Migz Zubiri na dapat magsilbing “wake-up call” kay Pangulong Benigno Aquino III ang patuloy na pagtaas ng unemployment rate sa bansa.

Hinikayat ni Zubiri ang gobyerno na magdoble kayod sa pag-engganyo ng mga dayuhang investors para makalikha ng mga bagong trabaho. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply