Jinkee natakot mag-guest sa isang sikat na show sa Tate dahil bobitang mag-Ingles

INIMBITA raw si Jinkee Pacquiao na mag-guest sa isang sikat na talkshow sa USA. May kinalaman yata yung imbitasyon sa latest na victory ni Manny Pacquiao sa panalo sa boxing bout nila ni Mosley kailan lang.  Tungkol daw yata sa kung paano ang experiences niya being the wife of a revered sports champ in the whole world.  Nag-atubili raw si Jinkee at tinanggihan finally yung offer.

Daming tao ang nasayangan. Pagkakataon na raw sana ni Mrs. Pacquiao na maipasilip ang sarili sa international community. At least, on her own, she can shine like her husband.

But why did she decline the once-in-a-lifetime-offer?

“Bobita Magtanggol kasi siya, kulang sa gray matter, wlang laman ang ulo, puro porma, puro pagpapaganda, nakikipagpaligsahan sa mga tunay na soysal gayung di niya kaya,” isang kibitzer ang sumagot sa tanong na halatang inis kay Jinkee.

Oo nga naman, sa true lang, lagi na lang, Jinkee Pacquiao is always featured na babaing sosyalera, na bumibili ng mamahaling bag, na nakaipagbungguang balikat sa mga sosyal kaya nga sinasabihan siyang social climber.

True, maporma na siya, pero saan ba siya nanggaling? Di ba’t sa pusali rin ng kahirapan?

Baka naman ngayong marami na siyang milyones at dolyares, sinasamantala na ni Jinkee na magpaporma at ipakita sa lahat na tunay siyang maganda na hindi nagkamali si Manny sa pagpili sa kanya.

Isa pa, sobrang na-insecure siguro si Jinkee na kailangang higitan niya sa ganda ang mga artista para hindi na muling matukso si Pacman na umibig pa sa iba.

Hindi ba, Krista Ranilio?

Anyway, bilang congressional wife, at bilang asawa ng pinakasikat na boksingero sa buong mundo, Jinkee should also be in the limelight. Pero tama na yung paporma. Kumbaga, tapos na siya dapat sa ganyang stage dahil nga napatunayan na niyang kaya niyang talunin sa ganda ang maraming celebrities. Kaya dapat na mag-isip naman siya ng ibang gimik.

Get someone to help her out conceptualize good ideas para sa projects. Aba, magserbisyo naman siya kaagapay ng kanyang asawa sa mundo, wag lang sa mundo, sa kanilang constituents na lang sa Saranggani.

In short, gawing makabuluhan ni Jinkee yung kanyang being at hindi puro porma lang.

Like we say, kung hindi niya kayang mag-isip ng mga ganoon makabuluhang ideya, kumuha siya ng taong tutulong sa kanya. Sa rami ng mga nakapaligid sa kanya, pumili naman siya ng isang medyo marunong at hindi yung mga puro na lang pera at pambobola ang tingin kay Jinkee Pacquiao.

Kaya ikaw dyan, Bernard Cloma, think of more relevant projects for your bossing at hindi yang panay Paris Hilton na walang kabuluhan ang iginagatong mo riyan kay Jinkee Pacquiao. Sayang naman si Jinkee na walang pakinabang sa kanya ang Pilipinas.

***

Shalani ‘Hakot Queen’

DAMING mga taga-Valenzuela na nanonood ng live sa TV5 studio ng Wil Time Big Time. But it seems, mga kasama sila ni Councilor Shalani na mga supporters who root for her being a co-host of Willie Revillame. Nais siguro ni Shalani na marami ang manood ng show kaya siya naghahakot ng mga tao sa loob ng studio.

But did you know na hindi naman kailangang maghakot pa’ng TV host ng mga utaw dahil nga sa rami ng mga nakapila para makapanood ng daily Wil Time Big Time sa Channel 5. Yung iba, nanggagaling pa sa malayong lugar at talagang nagbabakasakali maambunan ng suwerte na masali sa mga games ng palabas.

Kita naman kasi, yung mga nananalo kung gaano kalaki ang naiuuwi nilang biyaya kapag sinusuwerte nga sila.

Going back to Shalani, true ba na nanliligaw sa kanya si Willie Revillame?

“Masaya lang talaga kami sa set. Si Willie, palabiro naman siya talaga kaya may nag-aakalang totoo ‘yung tuksuhan sa amin. It’s true he gave me a belt, pero parang good luck gift lang yun sa pagbabalik ng show. Kung sa tingin nyo, nanliligaw siya, ask him yourself. Dapat, sa lalaki manggaling, di ba?”

Overwhelming daw ang 37.5 percent in MegaTAM; overtaking GMA’s 26.0 percent and ABS-CBN’s 19.5 percent audience shares, respectively.  Dahil dito, pinadalhan daw sila ng commendation ng TV5 mismo.

Masayang-masaya si Shalani Soledad dahil napatunayang isa na namang tagumpay ang Wil Time Bigtime. Matapos kastiguhin ng mga powers-that-be, ayan nga at balik na sa sirkulasyon si Willie Revillame.  “We’re happy for the warm welcome given by the people dahil ilang araw na naming pinaghihirapan ito’t pinagpupuyatan to make sure magiging maganda ang pagbabalik ng show on the air,” sabi niya.

“We want to thank TV5 big boss Mr. Manny Pangilinan for his all out support sa show. He really made us feel important. Kahit nung nawala kami sa air, our salaries continued, inalagaan niya talaga kami. This time, we’ll make sure the viewers will like the show even more, especially the new games that are 50% based on our LED flooring to make it truly interactive, like Red, White, Blue, Family Apir, Roll It, and our banner segment Wil Time Bigtime.

We’ll also make sure the show follows all the guidelines TV5 came up with, especially those concerning young people, para hindi na maulit ang any sad incident that happened before.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply