Jinkee todo-bantay kina Paris Hilton at Pacman

MATAPOS ang laban kay “Sugar” Shane Mosley at sa ginawang post fight conference ay personal pang dumalo si American socialite Paris Hilton at kapatid nitong si Nicky sa pa-party ni Manny Pacquiao.

Bago ito ay nanood nga si Paris sa laban ni Pacman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Hindi naman nabigo ang sikat na Hollywood actress na makilala sina Pacquiao at misis nitong si Jinkee.

Sa Twitter account ni Paris, sinabi nitong napakabait ng mag-asawa at karangalan na makita ang pound-for-pound king.

Dagdag pa nito, na may posibilidad na dadalaw siya sa Pilipinas para sa ilang proyekto.

“Hanging out with @MannyPacquiao and his beautiful wife Jinkee. They are such a sweet & down to earth couple! Love them! :) “Wow! Such an honor to be brought on stage by Manny & his wife Jinkee after the fight. Can’t wait to visit them when I go to the Philippines,” bahagi ng mga pahayag sa Twitter ng actress.

Si Paris Whitney Hilton ay apo sa tuhod ni Conrad Hilton ang founder ng sikat na hotel na Hilton Hotels.

Maliban sa pamilya ng may-ari ng Hilton, sikat din si Paris sa Hollywood dahil sa
pagiging modelo, singer, author, fashion designer at actress.

Noong 2006, inilabas ang kaniyang album na Paris kung saan ang kaniyang kantang “Stars are Blind” ay nag-number 6 sa Billboard 200.

Isa rin sa mga karakter ng pelikulang “House of Wax” si Hilton noong 2005.
Nito lamang nakalipas na buwan ay naaresto ang actress dahil sa iba’t ibang kasong kinakaharap.

Isa rin sa kontrobersiya na matinding kinaharap ni Hilton ay ang sex tape na kumalat kasama ang kanyang dating nobyo.
Pero ano kaya itong bagong tsismis na todo-bantay ngayon si Jinkee Pacquiao dahil iba umano ang kutob nito sa magandang foreign artist?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply