Job fairs ikinakasa ng Dole

NAGTAKDA ng maraming job fair ang Department of Labor and Employment (Dole) sa buong bansa upang maabot ang target na mabigyan ng trabaho ang 1,000,000 Filipino para sa taong 2011.

Ayon kay Acting Labor Secretary Danilo Cruz, ang mga nasabing job fair ay kasunod na rin ng isinagawang May 1 Labor Day job fair kung saan aabot sa 7,169 ang nabigyan ng trabaho.

“We have more job fairs coming so those who were not able to visit our 2011 Labor Day Job Fairs will still have the opportunity to grab their dream job in the incoming fairs,” pahayag ni Cruz.

Pinayuhan naman ng kalihim ang mga jobseekers na paghandaan ang mga nasabing job fairs upang matiyak na makukuha nila ang inaasam nilang mga trabaho.

“The best way to successfully avail of these job opportunities in the job fairs is to hone up, upgrade, or retool on the skills necessary to qualify for in-demand occupations,” payo pa ng opisyal.

Ang mga susunod na job fairs ng Dole ay gaganapin sa Regions 2, 4A, 4B, 5, 6, 8, 9, at 10.

Sa Region 4A (CALABARZON) ay ginanap noong Mayo 27 sa Batong Malake Covered Court, Los Baños, Laguna; sa Region 6 (Western Visayas) ay nagpapatuloy ang job fair na nagsimula noong Mayo 26 na tatagal hanggang sa Mayo 30 sa Escalante City Hall, Escalante City, Negros Occidental; sa Region 10 (Northern Mindanao) ay noong Mayo 26 sa Gingoog Gym, Gingoog City.

Sa  Hunyo, itinakda ang job fair sa Region 2 (Cagayan Valley) na gaganapin sa Hunyo 10 sa Maddela; sa Hunyo 12 naman ay sa Santiago City; sa Hunyo 20 ay sa Cabarroguis; sa Hunyo 3 ay sa Olympia Covered Court, Sta. Rosa, Laguna; sa Hunyo 8 ay sa Luansing Gym, Rosario, Cavite.

May gagawin namang Kalayaan Job Fair sa Hunyo 12, 2011 sa Kawit, Cavite; sa Hunyo 16 ay Independence Day Job Fair sa Quezon, na susundan rin ng Quezon day Job fair sa Hunyo 19; sa Hunyo 24 naman ay 2nd Quarter Municipal Job Fair ng Los Banos, Laguna.

Itinakda naman sa Hunyo 21 sa Pola Municipal Gymnasium, Pola, Oriental Mindoro, sa Region 4B (MIMAROPA).

Sa Region 5 (Bicol) ay sa Hunyo 1 hanggang 2 sa Covered Court, Jose Panganiban, Camarines Norte; sa Hunyo 16 hanggang 17 naman ay sa Covered Court ng Camalig, Albay; sa Hunyo 22 hanggang 23 sa Daet Heritage Center, Daet, Camarines Norte.

Sa Region 6 ay sa Hunyo 9 hanggang 10 sa Sagay City Auditorium, Sagay City, Negros Occidental; sa Hunyo 24 sa Barotac Viejo Covered Gym, Barotac Viejo, Iloilo.

Sa Region 8 (Eastern Visayas): ay sa Hunyo 17 sa Catarman Plaza, Catarman, Northern Samar.

Sa Region 9 (Zamboanga Peninsula) ay sa Hunyo 12 Kalayaan 2011 job fair sa Molave Gymnasium.

Sa Region 10 ay sa Huyno 13 hanggang 14 sa Tourism Hall, Cagayan De Oro; sa Hunyo 24, ay sa Legislative Building Opol, Misamis Oriental.

Para naman sa Hulyo:

Sa Region 2 ay sa Hulyo 4 sa Diffun, Quirino; sa Hulyo 27 ay sa Aglipay, Quirino

Sa Region 5 ay mula Hulyo 12 hanggang 13 sa Covered Court, Malilipot, Albay.

Sa Region 6 ay sa Hulyo 15 na gaganapin sa San Miguel Covered Gym, San Miguel, Iloilo; at sa Region 10 sa Hulyo 1 sa Magsaysay Gym Misamis Oriental.

Para sa buwan ng Agosto:

Region 5 ay sa Agosto 30 hanggang 31 sa Daet Heritage Center, Daet, Camarines Norte.

Sa Region 6 ay sa Agosto 25, sa Amigo Plaza Mall, Iznart Street, Iloilo City;

Sa Region 8 ay sa Agosto 10 hanggang 11 sa Maasin Southern Leyte.

Sa Region 10 ay sa Agosto 27 hanggang 28 sa Valencia City Gym, Bukidnon.

Para naman sa Setyembre:

Sa Region 2 ay sa Set. 9 sa Quirino.

Sa Region 4A ay sa Set. 23 gaganapin ang 3rd Quarter Municipal Job Fair sa Los Banos, Laguna.

Sa Region 5 ay sa Set. 5 hanggang 6 sa Covered Court ng Daraga, Albay; sa Set. 14 hanggang 15 ay sa 3rd Floor ng Municipal Hall ng Labo, Camarines Norte.

Sa Region 6 ay sa Set. 16 sa Amigo Plaza Mall sa Iznart Street, Iloilo City.

Sa Region 8 ay sa Set. 1 sa Dulag Supermarket 2F, Dulag, Leyte.

Sa Region 10 ay sa Set. 23 sa Legislative Building, Opol, Misamis Oriental.

Para naman sa buwan ng Oktubre:

Sa Region 4B ay sa Okt. 15 sa Victoria Municipal Gymnasium, Victoria, Oriental Mindoro.

Sa Region 5 ay sa Okt.(tentative) sa Virac Sports Complex, Virac, Catandues.

Sa Region 6 ay sa Okt. 7 sa Amigo Plaza Mall, Iznart Street, Iloilo City; sa Okt. 14 sa Passi City Covered Gym, Passi City, Iloilo.

Sa Region 8 sa ikalawang linggo ng Oktubre sa Naval State University, Naval, Biliran.

Sa Region 10 ay sa Okt. 20 hanggang sa 21 sa Mambajao Gym Mambao, Camiguin.

Para sa buwan ng Nobyembre:

Sa Region 6 ay sa Nob. 9 sa Iloilo Capitol Ground, Iloilo City; sa Nob. 23 sa SM City Mall, Mandurriao, Iloilo City.

Sa Region 4B ay sa Nob. 11 sa Divine Word College, Calapan City, Oriental Mindoro.

Sa Region 8 ay sa ikalawang linggo ng Nobyembre sa Provincial Capitol ng Borongan, Eastern Samar.

Sa Region 10 ay sa Nob. 25 sa Legislative Building, Opol, Misamis Oriental.

Para naman sa huling buwan ng 2011:

Sa Region 2 ay sa Dis. 8 gaganapin ang Dole Anniversary fair sa Tuguegarao City.

Sa Region 4A ay sa Dis. 16 gaganapin ang 4th quarter Municipal Job Fair sa Los Banos, Laguna; sa Region 4B ay sa Dis. 16 sa JJ Leido Memorial School, Calapan City, Oriental Mindoro.

Sa Region 5 ay sa Dis. 8 sa Agro Sports Complex, Daet, Camarines
Norte.

Sa Region 6 ay sa Dis. 2 sa Amigo Plaza Mall, Iznart Street, Iloilo City; sa Dis. 13 sa Iloilo Capitol Ground, Iloilo Provincial Capitol.

Sa Region 8 ay sa Dis. 10 hanggang 11 sa Municipality of St. Bernard, Southern.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply