John Estrada warfreak?

USAP-USAPAN ngayon ang ginawa niyang pagbatok sa nagngangalang Tatay Alex (Magbanua), floor director ng kanilang noontime show. Nakakaloka at nakaiirita kung ginawa niyang saktan ang isang matanda. May pinagdadaanan ba  si John Estrada dahil mabilis daw uminit ang ulo?

May isang version din kaming narinig na  diumano’y sinuntok muna sa tiyan at saka binatukan.

Ayon pa sa source namin, galit daw si John dahil ayaw palabasin ‘yung mga bisita o fans niya para mag-CR. Rules kasi ‘yun  at nakasanayan na ng floor director since “Wowowee” na bawal ang palakad-lakad pag malapit na ang opening at kung  on-going na ang show. Puwede lang  umalis nang mabilis pag commercial break na.

Ikinukumpara tuloy si John  kay Willie Revillame. Mas mabuti pa raw si Willie dahil nagagalit lang sa ere pero never siyang nanakit ng staff.

So, nakita mo naman, sinundan pa rin si Willie ng mga staff niya  nu’ng lumipat ito sa TV5. ‘Yun na!

Samantala, nagsalita na si John sa kanilang noontime show the other day at tinawag pa niya si Tatay Alex, ang FD, para patunayang hindi totoo ang suntukan.

At any rate, naninindigan ang aming source na may batukang nangyari.

Ano ba talaga ang totoo?

***

SA presscon ng “Mara Clara” para sa makasaysayang pagtatapos at huling linggo nito sa June 3 ay naitanong kay Julia Montes ang pagkaka-link niya kay Enchong Dee. Buong ningning niyang sagot ay magkaibigan lang sila since “Shout Out” at wala kuno sa kanya pa ‘yung ligaw-ligaw.

Pero nu’ng Friday night ay nakita naming magkatabi sila ng upuan sa Belissimo Restaurant. Kasama ng dalawa, si Kathryn Bernardo at isang alalay. Late namang dumating si Diego Loyzaga na katabi naman ni Kathryn.  ‘Yun Lang!

***

MAY pinagdadaanan ngayon si April ‘Congrats’ Gustilo dahil hiwalay na pala siya sa kanyang rich businessman boyfriend na si Grey. Nakakalungkot lang dahil kung anu-anong isyu ang lumalabas ngayon kay Congrats.

Nu’ng kaarawan namin nu’ng August last year nalaman naming sila na ni Grey dahil magkasama silang dumating sa party namin together with Milagring, Luningning at bf nitong si Jhon Pamintuan. Biglang hindi dumating si Mariposa (na kahihiwalay lang noon kay Grey) at nagpadala na lang ng regalo dahil nalaman niyang kasama ng grupo sina Grey at Congrats.

Panay ang tukso namin kay Mariposa noon tungkol kay Congrats pero wala kang masamang maririnig. “Mapagbigay ako,” sey lang niya na tumatawa.

Ngayon, baligtad na ang situwasyon sa nakakalokang rigodon. nagkabalikan sina Grey at Mariposa (na kung mapapansin ang pangalan ng R Bistro, Resto sa Timog na pagmamay-ari nina Grey at Jhon, may paru-paro dun na senyales ng pangalan ni
Mariposa at ang R ay isinunod sa tunay niyang pangalan na Rovielyn Cabigquez).

Kinumpirma sa amin sa text ni Mariposa na nagkabalikan nga sila ni Grey last week pa:

“Hahaha. Ma…destiny..love niya talaga me,” aniya.

“Ganun talaga, Ma, pag merong true love,” dagdag pa niya.

Nag-text din kami kay Congrats kung ano ang nangyari at kung gusto niyang ibigay ang kanyang side sa mga masasamang
isyu na ikinukulapol sa kanya.

Nakarating din  sa amin na noon pa ay inirereklamo na diumano ni Grey ‘yung madalas na pag-gimik sa bar ni Congrats sa gabi pero naniniwala naman kami na normal sa ganoong edad na mag-enjoy sa mga night out. May age gap nga naman sila kaya hindi sila magkasundo sa bagay na ‘yun.

Pero eto lang ang text ni Congrats:

“Thank you po, mama, pero for now po yoko muna magsalita. Ma, Diyos na nakakaalam ng tama… For doing that to me..sana maging masaya sila. God is always with me,” text-tsika  pa niya.

Ano’ng masasabi niya na nagkabalikan sina Mariposa at Grey?

“Yaan mo na sila. He!he!he! I’m happy for them,” sagot lang niya.

Sa Twitter ay nagkatsikahan din kami. Tweet niya : “Thank u Ma..kami ng family ko? Ok na ok po..pray for me din po, mama..actually am totally ok now..”

“Better to be quiet than minding bitter pipol..hehehe,” aniya pa.

Pero mababasa sa  mga nagdaang Tweet ni Congrats ang “sakit” sa nangyari sa kanyang lovelife.

“Hahaha! Moving on by using some garbage is really bad!!”

“Thank God sa sobrang daming blessing..and for moving on so fast he doesn’t deserved my love, He betrayed me..

“I made the craziest thing coz i love him but i regret coz u dont desrv it!!!”

Tweet niya kay Aiko Climaco “Ang sket ng ginawa skn ng lalaking un hu!!!:( kayo ate naloko knb wag kah magpapaloko ha? msket kxe sobra”

“pti pla ikw pngdadaanan moh rn nw? do you think mkakahanap pah kya aqouh???ng mr>right?”

“pro prng nkakatakot na ulit msaktan d kb ntatakot?”

Sabi naman ng isang friend niya.”D kawalan ang nawawala malaking simula ang magaganap.”

Anyway, live na mapapanood si Congrats sa July 9 sa Zirkoh, Tomas Morato entitled ‘Ang Gandaaahhh!!!’  with Melason, Bugoy Drilon,  at  Lemuel Santos.  Kasama rin sina Teejay Marquez, Triz Reyes at si Bugey “Tuod” Drilon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply