Jordan, PH Nationals nangunguna sa Group B

SIMULA na ng madawag na landasin ng 2-win, 0-loss ng Philippine National Team sa ginaganap na 22nd FIBA Asia Champions Cup sa pagharap sa peligrosong Duhuk ng Iraq mamayang gabi, Mayo 31, sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kapantay ng Smart Gilas sa 2-0 slate ang Jordan Team kasunod nang pagpapaluhod nito sa Saudi Arabia Al-Ittihad sa iskor na 79-69.

Matapos ang magkasunod na panalo ng koponan ni coach Rajko Toroman kontra Al-Ittihad ng Saudi Arabia, 101-69 at Kuala Lumpur Dragons ng Malaysia, 95-64 at pagpapahinga ng isang araw ng Smart Gilas na pinanood ang laro ng Iraq laban sa Kuala Lumpur Dragons na ginapi ng una sa iskor na 88-76.

May pangamba si coach Toroman sa laro nila sa Iraq dahil napansin niya na may katumbas na kalidad ang mga Iraqi players bukod sa kapwa nila magagling na import na sina CJ Giles at ang 6’4 na si Earl Gray.

Umaasa naman si Toroman sa kanyang papagaling sa laro na naturalized center na si Marcus Douthit, mga local star na sina Dondon Hontiveros, Mac Baracael at ang 6’10 na si Japet Aguilar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply