Justices na nag-apruba sa bargain deal inireklamo

IPINAGHARAP na ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang mga mahistrado sa Sandiganbayan na nag-apruba sa plea bargaining agreement ni dating AFP comptroller Carlos Garcia at tanggapan ng Ombudsman.

Ang reklamo ay inihain sa DOJ nina dating Akbayan representative Risa Hontiveros, Leah Navarro ng Onward Malinis na Gobyerno (OMG) at retired general Danilo Lim.

Sa anim na pahinang joint complaint affidavit, ipinagharap nina Hontiveros, Navarro at Lim ng reklamo sina Sandiganbayan Justices Edilberto Sandoval, Teresita Baldos at Samnuel Martires dahil sa pagpapalabas ng unjust interlocutory order o di makatwirang pasya na isang paglabag sa ilalim ng revised penal code.

Ayon kay Hontiveros, hindi sinunod ng Sandiganbayan ang kanilang mandato na maging pangunahing anti graft court sa bansa dahil sa pakikipagtawaran sa hustisya.

Sinabi naman ni Lim na masyadong pabor sa akusado ang plea deal at dapat na kinuha muna ng sandiganbayan ang panig ng AFP hinggil sa kasunduan bago iyon dinesisyunan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply