Kaanak ng nawawalang UP students kinasuhan si Palparan

KINASUHAN nitong Miyerkules, Mayo 4, ng mga ina ng mga nawawalang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno si retired General Jovito Palparan, Jr.

Kasong kriminal ng panggagahasa, serious physical injuries, arbitrary detention at iba pang krimen ang ikinaso sa heneral base sa nga sworn affidavits ng mga saksi.

Ayon kay Atty. Edre U. Olalia, secretary-general ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), simula pa lamang ito ng paghahanap nila ng hustisya.

Kailangan umanong maparusahan ang kanilang mga abductors, torturers at rapists kahit sino pa sila.

Nagsampa ng kaso sina Erlinda Cadapan at Concepcion Empeno sa Department of Justice (DOJ) laban kina Palparan, dating commanding general ng 7th Infantry Division ng Philippine Army,  commanding officers Lt. Col. Rogelio Boac ng 56th Infantry Battalion at Lt. Col. Felipe Anotado ng 25th Infantry Battalion.

Kinasuhan din sina M/Sgt. Donald Caigas at M/Sgt. Rizal Hilario dahil sa pang-aabuso at panggagahasa.

Ang panggagahasa ay hindi pinapayagang piyansahan.

Kasama sa reklamo ang walong detalyadong affidavit na nagpapatunay na sina Sherlyn at Karen ay nasa kustodiya ng militar.

Sa testimonya naman ng magsasakang si Raymond Manalo, positibo niyang kinilala ang mga kumuha sa dalawang estudyante. Nasaksihan din umano niya kung paano pinahirapan ang dalawa.

Dinukot din umano si Manalo sa Bulacan noong 2006 ngunit sinuwerteng nakatakas. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply