Kabataan hinikayat na ‘magpabinyag’

HINIHIKAYAT ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang mga magulang ilahok ang kanilang mga anak na lalaki sa isasagawang “T-party” o mass circumcision sa May 7 araw ng Sabado.

Ayon kay Marikina Mayor Del de Guzman, ang naturang mass circumcision ay isasagawa sa Marikina Sports Park mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Libre naman ang gagawing pagtutuli kaya’t walang dapat na ikabahala ang mga magulang na nais nang ipatuli ang kanilang mga kuwalipikadong anak.

Siniguro pa nang alkalde na ang ibibigay nilang serbisyo ay katulad ng serbisyo sa mga pribadong klinika.

Nakipagtutlungan ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa mga medical practitioners at nursing students upang maging matagumpay ang naturang aktibidad.

Sinabi ni City Health Office chief Dr. Alberto Herrera ang mga nais lumahok sa mass circumcision na magtungo sa pinakamalapit na barangay health center sa kanilang lugar hanggang sa Mayo 6, para sa isasagawang screening.

Nabatid kay Mayor De Guzman, target nilang makapagtuli ng 1,500 na mga batang nasa edad 12 pataas upang makapagtala ng world record para sa pinakamaraming bilang ng mga lalaking nagpatuli sa isang araw lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply